Viewers

Friday, March 11, 2011

Sana-Lamunin-Na-Ako-Ng-Lupa Moment


Once upon a time, (LOL parang fairytale lang haha!) there was a very pretty girl (itago nalang natin sya sa pangalang Amy),




mabait mahinhin and maganda si Amy, tsaka medyo malandi haha! pero medyo lang naman. sobrang konting landi lang, hindi masyadong halata.



isang araw, maaga pumasok si Amy (which is so unusual dahil madalas late sya hihi!). well, medyo nabored sya cause she never really expected herself to be that early, wala syang magawa.



Suddenly, there was light! (haha!)



may light bulb na umilaw sa gilid ng tenga nya (sa gilid talaga ng tenga? haha!). oo! sa gilid nga ng tenga?! nangingialam ka ba?



ting!


may naisip sya (akalain mo yun? haha!).



naisip nya i-add sa FB ang crush nya (sabi senyo malandi sya e, pero sobrang konti lang daw).



but there was a problem. she doesnt know his full name, email address, or even his phone number. just his nickname...





Drew. (as in past tense ng draw hihi!)



medyo matalino naman si Amy (nyee! sabi mabait maganda and mahinhin lang), though it was not mentioned earlier, well, sinasabi ko na sa inyo ngayon. medyo matalino sya, sobrang konti lang din haha!



and so because of her sobrang konting katalinuhan, she never thought about the posibilities of his full name as Drawing Cruz or stuff like that. instead, naisip nya na madalas nya nakakasabay sa locker yung crush nya, though she cant remember exactly saan banda pero there's a stuff toy na nakasabit sa labas nung locker nya tsaka full names ng owner can be found sa pintuan ng locker. hindi naman siguro malayo ang nickname nya sa totoong name nya di ba? (akalain mo nga naman, naabot ng konting katalinuhan nya yun?)



pagdating nya banda dun sa locker ni Drew, medyo nalito sya, nagulat, walang mga names ang mga locker dun banda sa locker ni Drew. wala rin stuff toy. sa sobrang kalituhan she didnt notice na nagsasalita na pala sya mag-isa.



"locker ba nya to? dito banda yun e. alam ko locker nya to e." with matching turo sa locker and sobrang-confused-but-still-looking-pretty facial expression.



suddenly there was a voice...







behind her...



"Locker ko nga yan. wala na yung stuff toy na lagi mo pinipisil yung ilong kasi bawal na maglagay ng stuff toy."

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...