Viewers

Friday, May 13, 2011

Madalas sa Philippine Movies



Different movies, different stories pero same ang eksena at mga linya.

Eksena 1

Hahawakan ni lalaki si babae sa braso tapos kakaladkarin ng sobrang konti lang while babae is saying,

“Ano ba? Bitiwan mo ko. Nasasaktan ako.”

Medyo may konti din sya sa mga comedy films pero mas lalo sa mga drama and lovestories.

Pero wala pa ako napanood na babae ang nangangaladkad sa lalake.

Parang ang pangit naman kasi.

Eksena 2

Habang kumakain with family (usually dinner) biglang tatahimik si son or daughter (most of the times yung eldest),

Medyo konting roll eyes.

Tapos tatayo while saying

“Nawalan na ako ng gana!”

Sabay walk out.

Minsan wala ng line na sinasabi, aalis nalang basta.

Madalas ito sa drama.

Pwedeng may nasabing masama ang isang family member.

Or may kasabay sa dinner ang family na ayaw nyang kasabay

Tapos she got pissed kasi nagkakasiyahan the rest of the family with the said person.

Pwede itong gawin ng bida, kontrabida or kahit supporting roles lang.

Minsan pinipigilan ng nanay or more often ang tatay pero mas madalas hindi sya napipigilan.

Some walk out scenes like this are being followed by…

Eksena 3

Papasok sa kwarto ang nagwalk out,

Ilalock ang pinto at iiyak sa kama.

Minsan binabasag muna ang mga gamit sa kwarto before umiyak sa kama.

Madalas may kakatok sa pinto while saying,

“Buksan mo ang pinto!”

More often parent-children scene ito.

Minsan galit sasabihin ng parent ang line na yan, pero minsan din naman with guilt at umiiyak.

Minsan sabay both parents ang kakatok while saying the line pero minsan just either of the two.

Pero eeksena si anak by saying,

“leave me alone!”

Minsan may kasama pang “I hate you!”

Kung hindi naman suicidal ang eksena ni bagets,

Hindi na maiisip pabuksan ng parents ang pinto by force.
Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.  -- Gimo

Eksena 4


Kung dati usong uso sa gitna ng movie ang mga tipong nasa out of town ang buong cast tapos kakanta ng theme song ng movie habang sumasayaw,
Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa yung mga ulo nila. -- Gimo
At ang bugbugan portion with the goons sa bandang huli ng movie,
Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, “Mga bata.” -- Gimo
Usually sa comedy films.

Ngayon naman napansin ko lang sa mga lovestories,

Most of them may picnic na eksena sa gitna or minsan kahit hindi picnic basta may sweet sweetan moment while the movie theme song plays.


Eksena 5

Meron din sa mga foreign movies neto, usually lovestories pero meron din sa comedy sobrang konti lang.

Naglalakad si babae, minsan pwede din lalake pero mas madalas babae.

Slow motion ang eksena, with wind in the hair para sa mga babae.

Yung iba habang naglulugay ng hair.

Usually love at first sight ito,

Pero minsan din parang magdedate sila and that is the first time na nakita ni guy si gurl na nakaayos.

Tapos si guy (or minsan si girl, kung si guy ang nasa slow motion eksena) nakatulala lang kay girl.

Kapag comedy films minsan may nangyayaring something funny sa slow motion eksena like madudulas, madadapa, mga ganun.

Eksena 6


Madalas ang scene na ito sa horror movies.

mukha kasi akong multo dito e hihi!

While running in a group of two or more,

May isang madadapa.

May isang tutulong sa kanya pero he/she will refuse.

Yes! Suplada sya.

Ayaw na nyang tumayo, nafeel nya masyado ang pagdapa. Charot!

Magrerefuse sya while saying,

“Tumakbo ka na! iwanan mo na ako.”

Medyo mag-iinsist yung tumutulong.

Pero ayaw parin ni nadapa, sasabihin nya,

“sige na tumakbo ka na! iligtas nyo mga sarili nyo.”

Most of the times namamatay ang nagsasabi ng mga lines na ito,

Kasi after ng second pilit ni tumutulong e iiwanan din naman nya si nadapa.

Pero meron din naman mga nakakaligtas, pero by the end of the movie na sila makikita.

Tipong kapag nakaligtas na ang lahat.

Bigla nalang silang magugulat na nakaligtas din pala si nadapa.

Minsan kung ang group ay more than two, merong isa na hinihila si tumutulong.

Though hindi naman nya sinasabi na iwanan na si nadapa pero parang ganun na rin yung gusto nyang mangyari.

Wala na ko maisip inaantok na ako *yawn* kayo na magdagdag kung meron pa.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...